Professional Documents
Culture Documents
Darasalin ang sumusunod na panalangin matapos awitin ang “Hossana Filio David” sa bawat kubol.
UNANG KUBOL
Manalangin tayo.
Wiwisikan ng pari ng banal na tubig ang kubol. Pagkatapos nito, magpapatuloy ang prusisyon patungo
sa susunod na kubol.
IKALAWANG KUBOL
Manalangin tayo.
Ama naming mapagmahal, niloob mong ang iyong Anak ay mabayubay sa Krus para sa
aming lahat upang ang paniniil ng kalaban ay kanyang mabigyang wakas. Ipagkaloob mong
amin nawang makamtan ang pagpapalang kaloob ng muli niyang pagkabuhay bilang
Tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Amen.
Wiwisikan ng pari ng banal na tubig ang kubol. Pagkatapos nito, magpapatuloy ang prusisyon patungo
sa susunod na kubol.
IKATLONG KUBOL
Wiwisikan ng pari ng banal na tubig ang kubol. Pagkatapos nito, magpapatuloy ang prusisyon patungo
sa simbahan, ang huling kubol.
IKAAPAT NA KUBOL – SIMBAHAN
Aawitin ang sumusunod na taludtod sa tono ng Pasyong Mahal
Kakatukin ng pari ang pintuan ng simbahan gamit ang krusipihong pangprusisyon nang makatlong
beses. Bubuksan ang pinto ng simbahan at aawitin ng koro ang pambungad na awit habang pumapasok
ang mga tagapaglingkod sa misa at ang tagapagdiwang na may tangang palaspas.