You are on page 1of 9

MAGDAMAGANG PANANALANGIN SA HARAPAN NG

BANAL NA SAKRAMENTO

Abril 11-12, 2015

Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos


UNANG BAHAGI

BANAL NA ORAS PARA SA LAHAT NG SEKTOR NG PAMAYANAN NG


MALIBAY

PAGTATANGHAL SA KABANAL-BANALANG SAKRAMENTO

Pambungad na Awit:
O Salutaris Hostia,
Quae caeli pandis ostium:
Bella premunt hostilia,
Da robur fer auxilium.

Uni trinoque Domino


Sit sempiterna gloria:
Qui vitam sine termino
Nobis donet in patria.

PAANYAYA SA PAGSAMBA

Namumuno: Purihin Ka, O Ama, pinagmumulan ng tanang kabutihan.

Lahat: Mapasaiyo ang kapurihan magpakailanman

Namumuno: Purihin Ka, Panginoong Hesukristo, bukal ng bawat pagpapala.

Lahat: Mapasaiyo ang kapurihan magpakailanman.

Namumuno: Purihin Ka, Espiritung Banal, tagapagdulot ng buhay at kabanalan.

Lahat: Mapasaiyo ang kapurihan magpakailanman.

Matapos ang sandaling katahimikan, darasalin ng lahat:

Namumuno at Lahat:

Panginoong Banal, sa aming pagkakaluhod sa iyong harapan kinikilala ka namin


bilang aming Diyos. Kahit hindi ka namin nakikita. Kami ay naniniwala na ikaw ay
naririto ngayon. Sinabi mo sa amin “Ako ay pumarito hindi upang paglingkuran kundi
ang maglingkod.” Ikaw ay naririto sapagkat minamahal mo kami at nais mong
paglingkuran ang aming mga pangangailangan. Kilalang-kilala mo kami, O Panginoon at
nalalaman mong lahat kung gaano karami ang aming pagkagutom. At kami ay palagi pa

2
ring naghahanap. Sa katunayan, ang aming mga puso ay walang katahimikan hangga’t
hindi ito nananahimik sa iyo.

Habang kami ay naririto sa iyong piling sa ilang sandaling ito sa ilalim ng


kaanyuan ng tinapay aming inaalaala ang mga makahulugang salitang binigkas mo: “Ako
ang tinapay ng buhay ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom at ang nananalig sa
akin ay hindi na mauuhaw kailanman.: (Jn. 6:35) Ikaw ang pagkaing nagbibigay lakas sa
amin sa paglalakbay pauwi sa iyo; tulungan mo kaming mamuhay na naaayon sa aming
pananalig sa iyo. Kung wala ka kami ay mamamatay.

Habang kami ay pinakakain mo, o guro at Panginoon nagbibigay ka rin sa amin ng


halimbawa na kung ano ang ginagawa mo para sa amin siya rin ang nararapat naming
gawin sa isa’t isa. Kaya nga ngayon naman ang aming pagkakataon upang pakainin ang
isang daigdig na nagugutom, nagugutom sa pag-ibig, nagugutom sa pang-unawa,
nagugutom sa kalayaan at katarungan, nagugutom sa kapayapaan. Sa isang salita,
Panginoon nagugutom kaming mga tao sa iyo. Ikaw ang aming buhay at nagmamahal sa
Diyos.

Sa pagkakaluhod naming sa iyong harapan, O Panginoon ng Buhay, idinadalangin


naming sa iyo ang aming pamayanang Malibay: ang mga sector na nakapaloob rito, mga
barangay, mga naglilingkod sa bayan, mga kabataan, mga may kapansanan man o wala,
mga namayapa na sa mundong ito at higit sa lahat ang parokya ni San Juan Nepomuceno
na magdiriwang ng kapistahan sa buwang ito.

Pag-aalabin mo ang aming pananampalataya sa iyo, O Kristong aming


tagapagligtas. Gawin mo kaming mga asin at ilaw ng sanlibutan upang ang aming
pananampalataya na naka-ugat sa iyong pagmamahal ay aming maisabuhay
magpakailaman. Amen.

Ang lahat ay uupo at makikinig sa Salita ng Diyos.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Efeso Efeso 4:1-6

Mga kapatid: Kaya’t ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa


inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging
mapagkumbaba, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensya sa isa’t- isa.
Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng
kapayapaang nagbubuklod sa inyo. May iisang katawan, at iisang espiritu, tulad ng may
iisang pag-asa nang kayo’y tawagin ng Diyos. Tayo’y may iisang Panginoon, iisang
pananampalataya, at iisang bautismo, iisang Diyos at Ama nating lahat, Siya ay higit sa
lahat, kumikilos sa lahat at nananatili sa lahat.

Namumuno: Ang Salita ng Diyos

3
Lahat: Salamat sa Diyos!

Ang lahat ay sandaling magninilay habang inaawit ang isang awit-pagninilay.

AWIT: Hesus ng Aking Buhay


A.Dc Aquino, SJ

Sikat ng umaga, buhos ng ulan, simoy ng dapit-hapon, sinag ng buwan;


Batis na malinaw, dagat na bughaw
Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay.

Koro: Saan man ako bumaling, Ika’y naroon. Tumalikod man sa’yo
Dakilang pag-ibig mo, sa akin tatawag at magpapa-alalang
Ako’y iyong ginigiliw at siyang itatapat sa puso.

Tinig ng kaibigan, oyayi ng ina, pangarap na ulila, bisig ng dukha.


Ilaw ng may takot, ginhawa ng aba
Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay (KORO)

Ang lahat ay tatayo para sa panalangin.

Namumuno: Manalangin tayo

Ama naming mapagmahal kaming mga Anak mo ay dumadalangin sa iyo


na gawin kaming karapat-dapat na mamuhay sa iyong Salita ng may pagpapakumbaba,
pagkamahinahon at pagka-matiyaga. Tulutan mo kami ng iyong makalangit na
pagmamahal upang aming matamo ang biyaya ng pagkakaisa tungo sa buhay na walang
hanggan.

Lahat: Amen.

Ang lahat ay uupo para sa pagpapahayag ng salita ng Diyos.

Pagbasa mula sa Unang Sulat ni Apostol San Pedro 1 Pedro 2: 9-12

Mga Kapatid: Ngunit kayo ay isang lahing pinili, grupo ng maharlikang pari, isang
bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos upang magpahayag ng mga
kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa
kanyang kahanga-hangang kaliwanagan. Kayo’y hindi bayan ng Diyos noon, ngunit
ngayon, kayo’y bayang hinirang niya. Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo’y
tinatanggap na ninyo ang kanyang habag.

Mga minamahal, nakikiusap ako sa inyo, bilang mga dayuhan at pansamantalang


naninirahan lamang sa daigdig na ito, talikuran na ninyo ang masasamang hilig ng
katawan na naghihimagsik laban sa inyong kaluluwa. Mamuhay kayo ng maayos sa gitna

4
ng mga hentil upang kahit na pinaparatangan nila kayo ng masama, kapag nakita nila ang
inyong mabubuting gawa ay magpupuri sila sa Diyos sa araw ng kanyang paghuhukom.

Namumuno: Ang Salita ng Diyos

Lahat: Salamat sa Diyos

Ang lahat ay sandaling magninilay habang inaawit ang isang awit-pagninilay.

AWIT: Awit ng Paghahangad


C. Cenzon, SJ

O Diyos, ikaw, ang laging hanap. Loob ko’y ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.

Ika’y pagmamasdan sa dakong banal, nang Makita ko ang ‘yong


pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay, Magagalak na aawit ng papuring
iaalay.

Koro: Gunita ko’y ikaw habang nahihimlay


Pagkat ang tulong Mo sa tuwina’y taglay
Sa lilim ng iyong mga pakpak, Umaawit akong buong galak

Aking kaluluwa’y kumakapit sa’yo. Kaligtasa’y tiyak kung hawak mo ako


Magdiriwang ang Hari, ang Diyos siyang dahilan, ang sa iyo ay nangako
galak yaong makakamtan. (KORO)

Koda: Umaawit, Umaawit, Umaawit akong buong galak

Ang lahat ay tatayo para sa panalangin.

Namumuno: Manalangin tayo

Amang mapagkalinga, kaming iyong mga nilikha ay taos-pusong


sumasamo sa iyong harapan bilang isang bayang natitipon sa Ngalan ng iyong bugtong na
anak na si Hesuskristo na aming panginoon. Buong puso mo kaming tinanggap ng may
habag at awa dulot ng iyong walang hanggang pagmamahal sa amin. Biyayaan mo kami
ng lakas ng loob sa mga panahon kami’y napanghihinaan dulot ng aming makasariling
pagnanais na paglingkuran ang mga material na bagay kaysa ang ipagkakalago ng aming
ispiritwal na pangangailangan. Hihiniling naming ito sa pamamagitan ni Kristong aming
panginoon.

Lahat: Amen.

Mananatiling nakatayo ang lahat upang magbigay galang sa mabuting balita.

5
Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo Mt 5: 13-16

Lahat: Papuri sa iyo, Panginoon

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kayo ang asin ng
sangkatauhan. Ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat
muli? Hindi ba wala na itong kabuluhan kundi ang itapon at tapakan ng mga tao?

Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng burol
ay hindi maitatago. Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay ilalagay
iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang
matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang
inyong ilaw sa harap ng mga tao upang Makita nila ang inyong mabubuting gawa at
papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”

Namumuno: Ang Mabuting Balita ng Panginoon

Lahat: Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo

Ang lahat ay uupo at sandaling magninilay habang inaawit ang awiting pang pagninilay.

AWIT: Huwag Kang Mangamba


O. Pagsanghan – M. Francisco, SJ

Koro: Huwag kang mangamba, di ka nag-iisa,


Sasamahan kita saan man magpunta
Ika’y mahalaga sa ‘King mga mata
Minamahal kita, minamahal kita

Tinawag kita sa’yong pangalan, ikaw ay akin magpakailanman


Ako ang Panginoon mo at Diyos, Tagapagligtas mo at Tagatubos. (KORO)

Sa tubig kita’y sasagipin, sa apoy ililigtas man din


Ako ang Panginoon mo at Diyos, Tagapagligtas mo at Tagatubos. (KORO)

Ang lahat ay tatayo para sa panalangin ng bayan.

Namumuno: Tinawag tayo ng Diyos bilang isang pamayanang naka-ugat sa


pananampalataya kay Kristo Hesus. Sa kanyang muling pagkabuhay
binigyan niya ng pag-asa ang mga nasa kadiliman ng kasalanan at
pinanumbalik niya ang buhay na ganap at kasiya-siya. Buong lakas nating
idalangin:

Panginoon dinggin mo ang aming panalangin

6
Nawa tulungan ng Diyos ang Pasay tungo sa maayos, mapayapa at maunlad na lungsod.
Manalangin tayo. R.

Nawa ang bayan ng Malibay ay maging saksi sa patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng


Pasay. Makamit nawa ang tunay na kapayapaan sa ating bayan. Manalangin tayo. R.

Nawa patawarin tayo ng Ama sa ating mga pagkakasala at kakulangan. Patnubayan nawa
tayo sa ating pang araw-araw na buhay. Manalangin tayo. R.

Nawa puspusin ng pag-ibig at pagpapala ng Diyos ang mga barangay at iba’t-ibang sektor
dito sa Malibay upang magkaroon ng matiwasay na pamumuhay ang mga
mananampalataya sa ating bayan. Manalangin tayo. R.

Nawa gabayan ng Diyos ang Malibay laban sa mga baha, lindol, sunog o anumang sakuna
na maaring magdulot ng kapinsalaan sa ating bayan. Manalangin tayo. R.

Nawa bigyan ng Diyos ng kalakasan ng pisikal, espirituwal, emosyonal o mental na


pangangatawan ang lahat ng mga kabataan at mga matatanda dito sa ating pamayanan.
Manalangin tayo. R.

Namumuno: Diyos naming Ama, tigib ng tuwa kami’y nagpapasalamat sa lahat ng


pagpapalang kaloob mo sa bayan ng Malibay at sa Lungsod ng Pasay. Patuloy mo pong
padaluyin ang biyaya ng kasaganahan at kabanalan ngayong pinananabikan ang
pagdiriwang ng kapistahan ng aming bayan. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni
Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo Magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Namumuno: Buong pagtitiwala tayong manalangin sa ating Amang nasa langit sa


panalanging itinuro sa atin ng ating Panginoong Hesukristo:

Lahat: AMA NAMIN

PAGBABASBAS AT PAGBABALIK NG BANAL NA SAKRAMENTO SA


TABERNAKULO

Tantum Ergo

Tantum Ergo
Sacramentum
Veneremur cernui:
Et antiquum documentum
Novo cedat ritui:
Praestet fides supplementum
Sensuum defectui.

7
Genitori, Genitoque
Laus at jubilatio,
Salus, honor, virtus quoque
Sit et benedictio:
Procedenti abutroque
Comparsit laudatio. Amen.

Pari: Binigyan mo sila ng pagkain galing sa langit.

Lahat: Bukal ng lahat ng kaligayahan.

Pari: Manalangin tayo.

O Diyos, na sa ilalim ng Kamangha-manghang Sakramento, ay iniwan Mo sa


amin ang ala-ala ng Iyong hirap at sakit; ipagkaloob Mong sa pamamagitan
ng pagsamba namin sa Banal na Misteryo ng Iyong Katawan at Dugo,
madama namin sa aming sarili ang bisa ng pagtubos Mo sa amin; Ikaw
na nabubuhay at naghaharing kasama ng Ama at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.

Lahat: Amen.

Magsusuot ang pari ng humeral veil, itatanghal ang Banal na Sakramento sa kanyang
kamay at babasbasan sa pamamagitan nito ang sambayanan. Matapos ay babalik siya sa
kanyang lugar sa harap ng dambana at aanyayahan ang sambayanan sa pagpupuri sa
Diyos.

PAGPUPURI

Purihin ang Diyos.


Purihin ang Kanyang Santong Ngalan.
Purihin si Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo.
Purihin ang Ngalan ni Jesus.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Puso.
Purihin ang Kanyang Kamahal-mahalang Dugo.
Purihin si Jesukristo sa Santisimo Sakramento sa altar.
Purihin ang Espiritu Santo, ang Mang-aaliw.
Purihin ang Dakilang Ina ng Diyos na si Maria Santisima.
Purihin ang santa’t ‘di narungisang paglilihi sa kanya.
Purihin ang maluwalhating pag-aakyat sa langit kay Santa Mariang Birhen.
Purihin ang Ngalan ni Maria, Birhen at Ina.
Purihin si San Jose, ang kanyang kalinis-linisang esposo.
Purihin ang Diyos sa Kanyang mga anghel at sa Kanyang mga santo.

8
PANALANGIN SA MAHAL NA PUSO NI HESUS

Pari at Bayan:

Mahal na puso ni Hesus, sa harap ng malalim na sugat at pagkasira ng aming bayan,


kami ay hinahamon mong muli na harapin ang mga suliraning naming ito ngayon.
Kami’y sugatan; ang aming mga puso’y wasak at nanglulupaypay. Kailangan namin
ang iyong Puso, O Panginoon, sa paghahanap namin ng lunas upang maging buo
muli. Tangan ang aming pananampalataya sa iyo at ang aming pagmamahal sa
bayan, ibig naming makiisa sa iyong gawain ng pagpapanibago ng kalooban ng mga
tao, ng bawat pamilya, mga ugnayan at ng lipunan.

Sa kapangyarihan na nakapagbabagong dulot ng iyong pag-ibig, kami’y


nakatatagpo ng bagong lakas, ng tibay ng lakas ng loob, ng alab ng puso na
magbabago sa buhay namin at ng aming bayan.

(Maaaring banggitin ang mga pansariling kahilingan.)

Puso ni Hesus, puspos ng pag-ibig, dalangin namin ay lakas ng loob at pagtitiyaga.

Puso ni Hesus, puno ng karunungan, turuan mo kaming manalangin at gumawa na


may pag-asa at pag-ibig sa lahat ng sandali. Amen.

Mahal na puso ni Hesus, kaawaan mo kami.

Kalinis-linisang puso ni Maria, ipanalangin mo kami.

Tatayo ang pari. Ilalagay uli ang Banal na Sakramento sa pyx at isasauli iyon sa
tabernakulo, habang inaawit ng sambayanan ang sumusunod

O Sacrament Most Holy

O Sacrament Most Holy


O Sacrament Divine
All praise and all thanksgiving
Be every moment thine
Be every moment thine

Tatayo na ang lahat matapos isara ang pinto ng tabernakulo. Maaaring umawit ng isang
awit patungkol kay Maria habang iniinsensuhan ang imahe nito.

You might also like