You are on page 1of 5

Tekstong Naratibo

Paano ko nasabi?

Paano ko kaya nasabi na ang buhay ay madali lamg sa umpisa pero sa


totoo ay mahirap pala talaga. Siguro naiisip natin na ito ay lilipas din sa
bandang huli pero oo lilipas din nga talaga ito.

May mga pagsubok na dumadaan sa ating mga buhay para malaman


natin kung ano talaga ang silbi ng ating mga buhay sa mundong ito.
Nasasaktan tayo at nahihirapan ngunit sa bandang huli nalalagpasan din
natin ito. May mga bagay na mahirap talaga kagaya na lamang ng pag
momove-on dahil nasaktan tayo ng lubos pero sa bandang huli nakayanan
natin ito, nalagpasan at sa bandang huli ay naging masaya ulit tayo sa ating
mga buhay at sarili. Nakapagpatawad tayo at tinanggap ang mga nangyaring
naganap sa atong buhay.

Paano ko nasabi? Paano ko talaga nasabi ito sa aking buhay? Kaya ko


ito nasabi dahil saaking mga karanasan sa aking buhay na naging saksi ng
aking pagiging matatag at buo na kayang harapin ano mang pagsubok ang
dumaan sa aking buhay. Alam ko na hindi lamang ito sakin nangyari lahat
naman ng tao ay nakararanas nang mga pagsubok na akala natin hindi natin
malalagpasan ngunit sa bandang huli ay ating nalagpasan at
napagtagumapayan dahil sa ating determinasyon at pagtitwala sa ating sarili
na ito ang ating tamang gawin upang tayo ay maging masaya sa ating
pagkatao.
Tekstong Persuweysib

Edukasyon

Edukasyon ating pagyamanin dahil ito ang ating pag asa upang tayo ay
maging isang tanyag na tao. Edukasyon ang ating masasandigan dahil dito
tayo makakakuha ng mga kaalaman na pwedeng isabuhay. Mga kaalaman na
dapat nating matutunan upang sa hinaharap ay mayroon tayong ipamahagi
sa ibang henerasyon. Binibigyan tayo ng sapat na kaalaman at talento para sa
hinaharap mayroon tayong magamit. Edukasyon din ang maipapamahagi
natin sa ating mga anak kaya dapat ang edukasyon ay wag natin basta
bastabg baliwalain dahil isa ito sa ating yaman sa ating mga sarili. Binigyan
tayo nito uapang tayo ay hindi maging isang mangmang sa ating mga
hinaharap sa ating buhay. Isa din ang edukasyon sa isang pinakaimportante
bagay sa ating buhay at mga ating mga sarili. Dahil ang edukasyon ay isang
yaman na hinding hind mananakaw o makukuha ng kung sinuman sa atin
dahil ito ay nakatatak na sating sarili na tayo lang nakasaksi.
Tekstong Argumentatibo

Pag-aaral o Pag-ibig?

Kung sainyong palagay, ano ang mas pipiliin niyo, pag-ibig o pag-
aaral? Ano kaya ang mas mahalaga sa iting buhay? Ano ang mas matimbang
at dapat pahalagahan ng bawat isa saatin upang tayo ay mas maging matatag
sa ating mga sarili.

Kung ako ang papipiliin ang aking pipiliin ay pag-aaral, bakit?


Dahil ang pag aaral ang importante sa ngayon pati narin sa ating mga sarili.
Ito ang mas matimbang dahil ito ang mas importante kaysa sa pag-ibig nayan.
Dahil ang pag-aaral ay dito natin malalaman ang mga bagay bagay na dapat
natin pag-aralan at malaman sa kung ano ang dapat. Huwag madaliin ang
ating mga sarili sa pag ibig nayan dahil dadating rin yan sa tamang panahon
kapag binigay na saarin ang tamang panahon, oras at ang tamang tao para sa
atin. Iyan ay hinihintay lamang dahil kusa na lamang iyang dadating kaysa sa
pag-aaralan na dapat nating tounan nang pansin dahil ito ang nararapat sa
atin sa ngayon. Bibigyan tayo ng sapat na kaalaman upang sa bandang huli
tayo ay may kaalaman na kung ano dapat ang ating gawin sa tamang
panahon. Bibigyan tayo ng magandang kinabuksan at masasaksihan natin
ang ating tagumpay at mabibigyan natin ang ating mga sarili ng magandang
ngiti sa ating mga sarili pati narin ang ating mga magulang dahil ang
kanilang pinaghirapan ay may magandang bunga na ating pinagtagumpayan.

Kaya tayong mga tao dapat nating isipin ang magandang


maidudulot sa ating buhay bago ang kasiyaan na minsan ay panadalian
lamang. Huwag nating madaliin ang ating mga buhay dahil sa pag-ibig.
Huwag tayong mag sayang ng oras kundi pahalagahan natin ang bawat
sandali na tayo ay nabubuhay pa lamang. Kaya mas unahin ang pag-aaral
kaysa sa pag-ibig dahil dadating na lamang iyan sa takdang panahon na
nararapat sa atin.

Tekstong Deskriptibo

Ang ating Kalikasan

Sa panahon ngayon ano na ang iyong napapansin sa ating kalikasan?


Ito pa ba ay kagaya ng dati na napaka ganda? Na pwede pang ipagmalaki sa
mga banyaga? Ito pa ba ay nagniningning?

Kung ating pagninilay-nilayan, ang ating kalikasan ngayon ay parang


hindi na kayaga ng dati ang ating mga kalikasan ngayon. Natutuklasan na
natin ang mga pagbabago ng ating kalikasan na panahion ngayon na para
bang wala na tayong maipagmamalaki sa susunod na henerasyon. Kung sa
noon ay para bang tila hindi kumukupas ang napaka ganda at liwanag ng
ating kalikasan noon. Sa ngayon na para bang kumukupas na at wala ng
buhay kung titignan natin ang ating kalikasan patin narin ang ating
kapaligiran. Ang ating mga bundok ay para bang wala ng kulay at wala ng
mga puno na natitinag. Pati narin ang ating mga ilog, sapa, at karagatan
nating asul ngayon ay puno na nang basura at para bang nangingitim na.
Kaya dapat sa nagyon ay pahalagahan natin ang ating kapaligiran at
kalikasan na bigay ng Diyos sa atin. Huwang natin itong bapayaan dahil isa
ito sa ating mga kayamanan dito sa taing mundo. Ito dapat at inaalagaan
kayaga ng pag aalaga sa ating mga sarili. Dahil dito tayo kumukuha ng
enerhiya sa ating katawan na binibigay ng mga puno upang mayroon tayong
malalasap na masarap na hangin sa ating kapaligiran

Kaya huwag natin pabayaan ang ating kalikasan dahil bigay ito ng
Diyos. Isa ito sa dapat nating pagyamanin at pahalagaan dahil nagbibigay din
ito ng buhay sa atin at ang mga halaman din sa taing kapaligiran ay may mga
buhay din ito kagaya ng tao.
Tekstong Prosidyural

Pag huhugas ng pinagkainan

Sa paghuhugas ng pinagkainan ang unang gawin ay


banlawan ang mga lahat ng mga gamit. Pangalawa unahing
sabunan ang hindi masyadong masebong gamit tulad ng baso at
pitsel. Pangatlo, sabunan ang mga ginamit na kutsara at tinidor.
Pangapat, sabunan ang mga pinggan. At ang panghuli ay
banlawan ang mga gamit hanggang sa mawala ang mga sabon
nito. At pagkatapos ng mahugasan lahat ay pwedeng punasan
muna ito ng hinding basang tela o pampunas upang mawala ang
pagkabasa nito o kaya pwede na itong ilagay kaagad sa
lalagyanan ng mga plato, baso, kutsara at tinidor.

Reaksyon: Pinapakita nito kung paano mag hugas ng mga


pinagkainan at kung saan ito ilalagay para matutunan natin kung
paano itong gawin ng kusa.

You might also like