You are on page 1of 5

I.

PAG-IIMBAK NG PAGKAIN

HAMONG MANOK
II. MGA SANGKAP:

MGA SANGKAP PARA SA PAGBABAD NG MANOK

1 BUONG MANOK
2 TASANG ASUKAL NG PULA
1 TASANG ASIN
10 TASANG PINAKULONG TUBIG AT PINALAMIG SA ROOM TEMPERATURE

MGA SANGKAP PARA SA PAGPAKULO NG MANOK

1 TASANG TUBIG 1 TSP PEPPERCORN


2 TASANG KATAS NG PINYA 1 PINCH OF STAR ANISE
1/3 TASANG ASUKAL NA PULA 1 CINNAMON STICK
1 DAHON NG LAUREL
1 KUTSARITANG DINIKDIK NA OREGANO

MGA SANGKAP NA KAILANGANIN KAPAG IHURNO NA ANG MANOK

1/3 TASANG ASUKAL NA PULA at ILANG PIRASO NG PINYANG DE LATA

III. MGA KAGAMITAN:

Malalim na lalagyang may takip Kaldero


Kutsara Tray na panghurno(baking tray)
Measuring cups Timer o Relo
Kutsilyo Colander
Sandok Foil

IV. MGA HAKBANG SA PAG-GAWA:

1. Pakuloin ang 10 tasang tubig. Ginagawa itong pagpakulo ng tubig para


maging sterilized ang tubig na gagamitin sa pag-iimbak dahil hindi tayo
gagamit ng salitre o preservatives sa gagawing hamong manok. Habang
pinapakulo ang tubig, hugasang mabuti ang buong manok. Kapag kulong-
kulo na ang tubig patayin ang apoy at hayaan itong lumamig.
2. Kapag malamig na ang pinakulong tubig, ilagay sa isang malalim na
lalagyan. Ilagay ang 2 tasang asukal at 1 tasang asin. Haloing mabuti
hanggang sa matunaw ang mga sangkap.

3. Ibabad ang manok dito sa tubig na may asin at asukal na mixture.


Takpan at ilagay sa refrigerator ng isang linggo ngunit araw-araw
ay siguraduhing binibiling-biling ang manok upang magpantay ang
pagpasok ng mga sangkap dito.
4. Pagkaraan ng isang lingo, hugasan ang manok at patuluin sa colander.

5. Kapag tuyo na ang manok, pagsama-samahin sa isang kaldero ang


1 tasang tubig, 2 tasang katas ng pinya, 1/3 tasang asukal na pula,
1 dahon ng laurel, 1 kutsaritang diniknik na oregano, 1 cinnamon stick,
1 kutsaritang peppercorn, konting anise, at manok. Pakuloin ito sa
mahinang apoy lamang hanggang sa lumambot ang manok. Pagkatapos,
ilagay sa isang baking-tray ang pinalambot na manok.

6. Lagyan ng 1/3 na tasang asukal na pula at ilang piraso ng pinyang de lata.

7. Ihurno ng walong minuto hanggang sa matunaw ang asukal.


At handa na itong ihaing sa hapag kainan o kaya’y itabi ng ilang linggo
para kainin kung kelan gusto ng kainin.
V. PAMANTAYAN:

PAMANTAYAN 1 2 3 4
1. Nasunod at nagawa ng tama ang mga hakbang sa pag-
iimbak ng pagkain.

2. Maayos ang kalidad at malinis ang mga pagkaing


inimbak.

3. Nasa maayos na lalagyan ang mga inimbak na pagkain.

4. Isa sa mga mabili sa pamilihan ang pagkaing inimbak.

5. Masarap ang inimbak na pagkain.


ANGELS OF THE BLESSED CHILDREN SCHOOL
Dasma 3, Salawag, Dasmarinas City, Cavite

PROYEKTO SA HELE

Pag-iimbak Ng Pagkain

Ipinasa ni: GERARD TITUS VINCENT F. JARIEL

Ipinasa kay: Gng. LILIBETH CABRERA


Petsa: Enero 23, 2019

You might also like