You are on page 1of 2

Agualada , Maryll John Maydan Agualada

V - DILIGENCE

Hello August! Or should I say Maligayang Pagdating Agosto!

This month is a very busy month for me, my kids and well, all the moms out there.
It’sBuwan Ng Wika! sya ako ay mag tatagalog muna…
Ang Agosto ay dineklara ni Pangulong Fidel V. Ramos bilang Pambansang Buwan ng
Wika. Ayon sa kasaysayan ang Linggo ng Wika ay nauna nang itinalaga sa petsang
mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril ni Pangulong Sergio Osmeña. Nabago
ito ng magkaroon ng proklamasyon si Pangulong Ramon Magsaysay. Ang pagdiriwang
ay tinalaga sa petsang mula ika-13 hanggang ika-19 ng Mayo. Sa pagbabagong ito
naging impossible para sa mga mag- aaral at guro na makisali sa selebrasyon
ngLinggo ng Wika.

Ang pagtatakda ng Linggo ng Wika sa buwan ng Agosto ay tinalaga ni Pangulong


Corazon Aquino. Ito ay ipinagdiriwang mula ika-13 hanggang ika19 ng Agostotaon
taon. Ito din ay ginaganap sa buwan ng Agosto bilang pagpupugay sa kaarawan
ng Ama ng Wikang Pambansa na si Manuel L. Quezon.

Ang Linggo ng Wika at Buwan ng Wika sa kasalukuyan ay opisyal na


pagdiriwang sa bansa at nakatala sa listahan ng mga kultural na
pagdiriwang.
Agualada , Maryll John Maydan Agualada
V - DILIGENCE

Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Pambansang Bayani tuwing huling linggo ng Agosto
bilang pagbibigay pugay at pagbabalik gunita sa iba’t ibang personalidad na lumaban at
nagtanggol para sa kalayaan ng Pilipinas. Kabilang na rito ang mga pangalang
nakalimutan na sa kasaysayaAng Araw ng mga Pambansang Bayani ay hango sa
Republic Act No. 3827 na ipinasa ng Philippine Legislature noong ika-28 ng Oktubre,
taong 1931.
Sa kasaysayan ng [Pilipinas], maraming mga bayani ang nagtangkang ipaglaban ang
bansa ayon sa kanilang nalalamang kakayahan. Isa sa mga pinakapopular ay si Dr.
[Jose Rizal]. Siya ay idineklara ng mga Amerikano sa pangunguna ni Gobernador
William Howard Taft bilang pambansang bayani. Ilan pa sa mga sikat na bayani ay
sina Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Magat Salamat, Diego Silang, Francisco
Dagohoy, Lapu-lapu, Rajah Soliman at Tamblot.
Bukod sa kanila, binibigyang karangalan din ang mga lumaban sa ngalan ng kalayaan
ng Pilipinas ngunit hindi gaanong nakilala sa kasaysayan tulad nina Amam Dangat ng
[Batanes] noong ika-18 siglo. Kasama na rin dito si Datu Akadir na siyang nakipaglaban
sa mga Espanyol dahil sa pananakop sa Lanao noong huling 19 siglo at si Diego de la
Viña na siyang nagbuo ng kanyang sariling hukbo saNegros Oriental upang labanan
ang mga Espanyol.

You might also like