You are on page 1of 11

Kuwadro ko sa dingding,

Kamukha ng bawat
tumitingin.

???

Salamin
Kwento

Salamin ng
Katotohanan
Ni Bb. Kris Karlen S. Pereye

Kinaiinggitan ng maraming bata si


Marco dahil sa marangya nitong
pamumuhay. Lahat ng gusto niya ay
naibibigay ng kanyang mga magulang.
Ngunit
nais
ng
kanyang
mga
magulang na matutuhan ni Marco ang
pakikiramay at pagtulong sa iba nang
walang hinihintay na kapalit.

Isang araw, naglaro ng tagu-taguan


sina Marco at ang kanyang mga
kaibigan. Naisipan niyang magtago sa
kanilang bodega upang hindi siya
madaling mahanap. Nakatawag pansin
sa kanya ang isang salamin na may
takip na puting tela. Nagtaka si Marco
kung bakit nakatago ang salamin na
ito, dahil maganda at maayos pa.

Laking takot niya nang makitang katawan


lamang niya at walang muka ang nasa salamin.
Mabilis siyang tumakbo palabas ng bodega, nang
makasalubong ang kanyang ama.
Anak, bakit namumutla ka, ano ba ang
nangyari sayo?
Tay, nagsalamin po ako sa bodega ngunit bakit
katawan ko lamang at wala po akong mukha?

Anak, ang ginamit mong salamin ay


mahiwaga. Yon ang salamin ng katotohanan na
minana pa ng lolo mo sa ating mga ninuno.
Kung titignan ka sa salaming ito at makita mo
ang iyong mukha, ikaw ay may mabuting
kalooban. Mabait ka sa lahat ng tao.
Ibig sabihin Tay, hindi ako ?
Ganun nga anak. Natatandaan mo ba na
palagi kitang pinagsasabihan na matutong
tumulong at kumalinga sa iyong kapwa?
Napansin kong laging sarili mo lamang ang
iyong iniisip.

Matapos
ang
pakikipag-usap
sa
kanyang ama ay nagpasyang mapag-isa
muna sa may tabing-ilog si Marco.
Isang malakas na bulusok ng tubig at
pagkatapos sigaw ng paghingi ng
tulong ang kanyang narinig. Napatayo
si Marco at nakita si Vince na
nalulunod.
Tumalon agad sa ilog si
Marco at iniligtas ang kamag-aral.

Napakabuti mo Marco. Maraming


salamat sa pagligtas mo sa akin.
Utang ko sa iyo ang aking buhay.
Bago sa pandinig ni Marco ang
salitang salamat kaya ganun na
lamang ang kanyang tuwa. Masarap
pala ang pakiramdam ng may
matulungan!

Umuwi si Marco at dali-daling


bumalik sa bodega upang makita
ang sarili sa salamin ng katotohanan.
Isang masayang mukha ang nakita ni
Marco
sa
salamin.
Mula
noon
ipinangako sa sarili na gagawa na
siya nang kabutihan nang walang
hinihintay na kapalit.

WAKAS

You might also like