mga palagay ukol sa isyu na inilalagay sa unang bahagi ng pananaliksik nang sa huli ay mapatunayan, mapagtibay, magugugan o mapasubalian. Sinasagot nito ang mga tanong na: Ano-ano ang mga makatuwirang pagpapalagay ng mananaliksik ukol sa kaniyang paksa? MGA URI NG HAYPOTESIS 1. HAYPOTESIS NA DEKLARATIBO
• Isa itong batayang uri ng haypotesis na nakatuon sa
paglalahad ng positibong ugnayan ng dalawang salik sa pananaliksik. Ang unang salik o bahagi bilang siyang sanhi at pangalawa bilang siyang bunga. Ang uri na ito ng haypotesis ay kilalarin sa tawag na direksyunal na haypotesis. 2. HAYPOTESIS NA PREDIKTIBO
• Isa itong uri ng haypotesis na kaugnay ng pagbibigay ng
isang kondisyonal na sitwasyon sa paksa. Ang kahalagahan ng prediksyon ay matutukoy at masusuri matapos isakatuparan ang panukala o rekomendasyon ng pananaliksik 3. HAYPOTESIS NA PATANONG
• Maaari ding magsilbing haypotesis ang mga lohikal na
tanong na inilalahad sa isang pananaliksik. Masusuri ang kahalagahan at ang mga sagot sa mga patanong na haypotesis na ito sa pagtatapos ng pananaliksik 4. HAYPOTESIS NA NULL
• Tinuturing sa pananaliksik na ito na walang direktang
ugnayang umiiral sa mga salik na naitala kaugnay ng problemang pinapaksa ng pananaliksik. Madalas na ginagamit ang uri ng haypotesis na ito sa mga pananaliksik kantitatibo o gumagamit ng isang tiyak na estadistikal na pagsusuri sa pananaliksik 5. SAKLAW AT DELIMITASYON • Tinitiyak ng bahaging ito ng pananaliksik ang magiging tunguhin ng pag-aaral at ang pangunahing pokus ng paksa. Malinaw na inilalahad ditto kung sino-sino at ano- ano ang kabahagi ng pananaliksik, mula at hanggang kalian ito gagawin maging ang lugar kung saan ito isasagawa at kung ano-ano pa ang mga bagay na talakayin at hindi na tatalakayin ng pananaliksik. Sinsagot nito ang mga tanong na: Mula saan, hanggang kalian, at sino-sino ang kabahagi ng pananaliksik na ito?