You are on page 1of 10

Pagbuo ng Tesis na

Pahayag at
Pangangalap ng
Datos

Reporter:
Cesar Ace Penyas
Margaritta Hermoso
TESIS NA PAHAYAG

• Nagbubuod sa kabuuang nilalaman ng isang sulatin.

• Paglahad ng posisyon ng mananaliksik tungkol sa


isang paksa at direksiyong patutunguhan ng kaniyang
pagsulat.

• Hindi bababa sa tatlong impormasyon ang o patunay


ang isinasaad dito ng pananaw ng may-akda. Gumamit
ng mga halimbawa o ebidensiya para sa impormasyon.

• Mahalaga ito upang matukoy ang pangunahing


kaisipan ng isang sulatin.
• Makokontrol ang proseso ng pananaliksik na
makatuon lamang sa pangunahing argumento.

• Kailangang tiyak, espesipik, malinaw at


nagpapahiwatig ng “bakit” at “paano” tungkol sa paksa.
PAANO BINUBUO ANG TESIS NA PAHAYAG

 Tukuyin ang paksa

Mula sa paksa ay bumuo ng pangunahing argumento na


binubuo ng pananaw at sinusuportahan ng mga patunay.
Siguruhing ito ay tiyak, malinaw, nagpapahiwatig ng “bakit”
at “paano” tungkol sa paksa.

Bumuo ng pansamantalang tesis na pahayag.

Maaaring rebisahin ang pansamantalang tesis na pahayag sa


proseso ng pangangalap ng datos hanggang ganap nang
makuha ang pinakapunto ng argumento.
PANGANGALAP NG DATOS

 Kadalasang ginagawa kapag tapos ng buuin ang


konseptong papel, sumasailalim sa depensa at, rebisyon
ayon sa kinalabasan ng depensa.

 Binibigyang diin ang kahalagahan ng malinaw na


paglalatag ng tunguhin ng pananaliksik ng binuong
konseptong papel at tesis na pahayag dahil ito ang gagabay
sa mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon.

Maaaring makakalap ng impormasyon sa aklat,


panayam, pananaliksik, dyornal, website, ulat atbp.
ANG MAPA NG KONSEPTO
Isang uri ng graphic organizer na nagpapakita
ng ugnayan ng mga konsepto at ideya sa
pamamagitan ng susing salita na karaniwang nasa
loob ng mga hugis. Nakakatulong ito sa mananaliksik
na masuri at maorganisa ang kanyang mga ideya,
makita ang kabuuang saklaw ng impormasyon at
maging ang kayarian o balangkas ng mga pinag-
uugnay na ideya at impormasyon.
Mga gabay na tanong para makapagmapa ng
konsepto:

1. Ano ang pangunahing konsepto o ideya na dapat


ilagay sa sentro ng mapa?

2. Ano-anong suporta o sekundaryang konsepto,


salita, ideya, paksa o tanong ang binubuo sa
sentrong ideya? Isulat ito bilang mga sangay at
palawakin pa sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
iba pang suportang ideya, konsepto, o tanong.
Sa pamamagitan ng mga konsepto,
madaling matukoy kung ano-anong datos ang
dapat hanapin. Ang mananaliksik ay
magkakaroon ng malinaw na perspektiba kung
aling aspekto ng pananaliksik ang dapat
pagtuunan niya ng pansin.
Napakahalagang kasanayan ang pagmamapa
ng mga konsepto upang mapadali ang pag-unawa sa
koneksiyon ng mga ginagamit na nagbabagong
elemento sa pananaliksik. Ang mga nagbabagong
elemento (variable) ay ang mga elemento ng
pananaliksik na nagtataglay ng sukat at iba’t-ibang
katangiang nagbabago at makakaapekto sa bunga
ng pananaliksik. Mahalagang maunawaan ang mga
nagbabagong elemento ng pananaliksik dahil ito
ang pinaghahanguan ng mga datos na binibigyang
kahulugan.
Mga nagbabagong elemento:

Elementong nakapag-iisa (independent variable)


Elementong di-nakapag-iisa (dependent variable)

Sa pag-alis ng independent variable, magkakaroon ito


ng epekto sa dependent variable. Ibig sabihin,
anumang gawin ng independent variable ay may
direktang epekto sa dependent.

You might also like