You are on page 1of 8

CHALDEAN- ang tinaguriang “ Stargazers of Babylon.

Ang Hanging Gardens of Babylon ang isa sa


pinakanakahahangang tanawin sa sinaunang panahon na
umabot sa 75 talampakan ang taas, pinagawa ito ni
Nebuchadnezzar para sa kanyang asawa na si Amytis. Ito
ay pinataniman niya ng magagara at nakaka-akit na mga
halaman. Kinikilala rin ito ng mga Greek bilang isa sa
Seven Wonders ng Ancient World. Nalinang ng konsepto
ng Zodiac at Horoscope. Nagpaggawa ng Ziggurat na
pinangalanang etemenanki. Itinuring na ito ang tore ni
Babel sa bibliya.
KONTRIBUSYON NG MGA
CHALDEAN SA KABIHASNAN
Ang mga CALDEO ay tumira sa mga lambak sa may timog ng
Mesopotamya, ang ibang tribo ay tumira sa timog ng Borsippa at
may tumira din sa Elam, Asya. Ang mga bahay nila ay sumasailalim
sa pamumuno ni Shaikh na noong mga panahong iyon ay tinawag
ang kanyang sarili bilang hari. Ngunit ang mga tribu at hukbo ay
hindi nagpatalo, pinasok ng mga Medes ang Mesopotamya.

Ang emperador ng Asirya ay mahina at walang hari noon sa


Babilonya dahil may digmaan. Kinuha ni Nabopolassar, isang
Caldeo, ang oportunidad at prinoklama ang kanyang sarili bilang
hari ng Caldea.

Ang paghahari ay tumagal ng 87 taon. Bumagsak ang Caldea at


pinagsama sa Persiya bilang Persyang Babilonya.
Chaldean – nasanay sa magagandang bahay, gumamit ng
malasalaming laryo ang mga arkitekto sa pagtayo
ng mga bahay at palasyo ng hinango sa inhinyera at
arkitektura ng Babylonia.
- Nakapagpatayo ng pinakamataas na ziggurat na
pinangalanang Etemenanki.
- Nagsanay sa astronomiya at astrolohiya at nasasabi
nila ang magiging kapalaran ng tao sa pamamagitan
ng mga bagay sa kalawakan.

Nebuchadnezzar – kilalang pinuno ng imperyong Chaldean.


- ang nagtatag ng hanging garden of Babylon
kung saan inialay niya ito sa kanyang asawa.
- isa sa pinaka- matalinong tao ng panahong
iyon na malaki ang naiambag sa kanyang
nasasakupan dahil sa maganda at maayos
nitong pamamalakad bilang hari.
- nangalap ng matatalinong kabataan upang
maging katulong niya sa pamamalakad
ng nasasakupan.
Sa pagbagsak ng Nineveh, ang Babylonia ay nagging
makapangyarihan. Ang mga Chaldean, sa pamamatnubay ni
Nebuchadneszzar, ay nagtatag ng Imperyong Chaldean sa
pamamagitan ng pagsakop sa fertile crescent. Lalo niyang
pinaganda ng husto ang Babylon. Ang palasyo ay
napapalibutan ng mga hardin sa mga terasa na pamoso sa
tawag na Hanging Garden.

Ang mga Chaldean ay nagpakita ng kaalaman sa


astronomiya. Kanilang pinag- aralan ang mga bituin, araw,
buwan at mga planeta. Ang galaw ng mga bituin ang kanilang
nagging basehan sa paggawa ng mga mahahalagang desisyon.

Sa ilalim ng pamumuno ni Nebuchadnezzar, naging


maayos ang pamumuhay ng mga Chaldeans, ngunit ng
mamatay ito noong 562 BK, ang Imperyong Chaldean ay
bumagsak at nagsimula nang humirap ang kanilang kalagayan
dahil ang pumalit na hari ay hindi sinundan ang yapak ng
dating hari. Ang dating Imperyo ay napalitan ng Imperyong
Persian.
References:
 https://www.sliideshare.net/mobile/maybeldin/chaldean
 http://kasaysayangchaldean.blogspot.com/2014/07/marlyn-c-
Jacob.html?m=1

Iniulat ni :
Sheena Mae Norcio
Alexis Ramirez

Pang-asignaturang guro:
Mr. Jeffryenald A. Francisco

Grado –seksyon:
G-7 STE (Newton)

You might also like